^

Metro

Driver/bodyguard ng asawa ni Miriam nanggulpi ng driver

-
Isang taxi driver ang nagharap ng reklamo laban sa driver/bodyguard ni dating DILG Undersecretary Narciso Santiago Jr., na umanoy ginulpi matapos banggain nito ang sasakyan ng mister ni dating Sen. Miriam Santiago kahapon sa Quezon City.

Ang biktima ng pambubugbog ay nakilalang si Salvador Solletre, 47, may-asawa, at residente ng Bgy. Pula. Dasmariñas, Cavite.

Ang ipinagharap nito ng reklamo ay si Ricardo Pascua, 34, at driver/bodyguard ni dating Usec. Santiago.

Sa ulat ng CPD Traffic Sector 3 na pauwi na umano si Pascua habang minamaneho nito ang Ford Ranger na may plakang WJW-561 patungo sa bahay ng kanyang amo nang mabangga ang kanang bahagi ng sasakyan nito ng taxi ng biktima na may plakang WCY-915 dakong alas-2:40 ng madaling-araw sa kanto ng Kalayaan Road at Mayaman St., UP Village,Q.C.

Nagalit umano si Pascua kaya bumaba ito mula sa sasakyan at saka kinompronta ang biktima at saka ginulpi. (Ulat ni Rudy Andal)

FORD RANGER

KALAYAAN ROAD

MAYAMAN ST.

MIRIAM SANTIAGO

PASCUA

QUEZON CITY

RICARDO PASCUA

RUDY ANDAL

SALVADOR SOLLETRE

TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with