Pekeng P1,000 laganap sa Mandaluyong City
June 21, 2001 | 12:00am
Pinag-iingat ngayon ng pulisya ang mga residente ng Mandaluyong City sa isang sindikato na pinaniniwalaang nagkakalat ngayon ng pekeng tig-iisang libong piso matapos ang magkakahiwalay na insidente ng pagkakaloko ng dalawa katao kamakalawa ng lungsod na ito.
Ang unang insidente ay naganap sa Rodmac Kitchenette sa 13 Shaw Blvd. at L. Cruz Sts. kung saan pumasok ang anim na kalalakihan.
Ayon kay Ely Miranda, may-ari ng naturang establisimiyento, uminom ng ilang bote ng beer ang grupo at kumain ng mga pulutan na umabot ng kulang sa P1,500 ang kanilang bill. Nagbayad umano ang grupo ng dalawang P1,000 at hindi na kinuha pa ang sukli bago tuluyang umalis. Nang siyasatin ang naturang mga pera, dito na niya nadiskubre na peke ang mga ito.
Ikalawang biktima ang taxi driver na si Ronnie Cayco, 29, makaraang bayaran siya ng kanyang pasahero ng pekeng P1,000.
Nadiskubre lamang niya na peke ang pera nang magpakarga siya ng gasolina. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest