Pumalag sa tangkang rape ng kuya, gulpi-sarado
June 20, 2001 | 12:00am
Halos mabali ang leeg at hindi maikilos ng isang 25 anyos na dalaga ang kanyang katawan matapos itong gulpihin ng kanyang kuya dahil sa ginawa nitong pagpalag sa tangkang panghahalay sa kanya kahapon sa Makati City.
Ang biktima ay nakilalang si Mary Jane Barra,residente ng Banaba St., Brgy. Cembo na nagtamo ng maraming pasa sa ibat bang bahagi ng katawan.
Samantala ang suspek na kuya nito ay nakilalang si Jesus Barra, 28, na nakakulong ngayon sa detention cell ng Makati City PNP.
Batay sa salaysay ng biktima kay SPO4 Columbia Ferraren na dakong alas-12:00 ng tanghali ay nagpapahinga siya sa loob ng kuwarto ng hindi nito namalayan ang pagdating ng suspek na umano ay nasa impluwensiya ng droga.
Pumasok ang suspek sa kuwarto at dito ay nagising siya sa ginagawang panghihipo sa maseselang parte ng kanyang katawan.
Agad na pumalag ito dahil sa balak umano siyang halayin ng suspek kaya naman nagalit ang huli at siya ay walang awang binugbog.
Nagkaroon naman ng pagkakataon ang biktima na makaalpas sa panggugulpi sa kanya at mabilis na ito ay humingi ng tulong sa awtoridad kaya mabilis na naaresto ang suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended