^

Metro

Selosong lolo, kinatay ng live-in partner

-
Hindi na natiis ng isang 29-anyos na babae ang umano’y pagmamalupit ng kanyang 67-anyos na live-in partner dahil sa sobrang pagseselos na nagbunsod upang ito’y kanyang patayin kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Ang biktimang si Pepito Salazar ay idineklarang dead-on-arrival sa Philippine General Hospital dahil sa mga tinamong saksak sa kaliwang dibdib nito mula suspek na si Venus Jacinto, kapwa naninirahan sa Arquiza St., Ermita, Manila.

Si Jacinto naman ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas dahil sa mga tinamo nitong galos at pasa dahil sa inabot na panggugulpi ng biktima matapos ang kanilang pag-aaway.

Sa imbestigasyon ni Det. Danny Vidad ng Western Police District-Homicide Division, ang insidente ay naganap dakong alas-6 ng gabi sa harapan ng barangay hall ng Brgy. 667 Zone 72 sa nabanggit na lugar kung saan nakikipag-inuman ang biktima.

Dahil dito’y nagkaroon ng pagtatalo ang magka-live-in hanggang sa makadampot ng kahoy ang matandang lalaki na ipinalo sa kanyang kinakasama.

Bunga nito, mabilis din na kumuha ng patalim ang babae mula sa hawak nitong plastic bag at agad na binigyan ng tatlong saksak ang matandang biktima.

Sinasabing madalas saktan ng biktima ang suspek dahil sa umano’y pagseselos nito sa sinumang makausap ni Jacinto. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

ARQUIZA ST.

BRGY

DANNY VIDAD

ERMITA

GRACE AMARGO

PEPITO SALAZAR

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

SI JACINTO

VENUS JACINTO

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with