3 kinidnap sa UP lumaya sa P 50M ransom
June 19, 2001 | 12:00am
Inatake umano kahapon sa puso ang may-ari ng Uratex Foam Company matapos umanong magbayad ito ng P50 milyong ransom sa mga kidnaper ng kanyang anak at dalawang kasama nito para ito ay mapalaya lamang.
Ayon sa pulisya, pinakawalan si Mary Grace Cheng-Rogasas, Dionisio Morca at ang driver/bodyguard nitong si Val Torres ng kanilang mga kidnaper sa isang hindi pa malamang lugar sa Quezon City kahapon ng madaling- araw matapos makuha ang nasabing ransom money.
Si Mary Grace Cheng at ang dalawa nitong kasamahan ay kinidnap ng apat na armadong kalalakihan na naka-uniporme ng pulis at pawang armado ng M-16 rifle sa tapat ng UP College of Law dakong alas-7:30 ng umaga habang papasok sa kanilang pabrika sa Proj. 7, Q.C.
Ang mga biktima ay lulan ng isang kulay maroon na Mercedes Benz na may plakang TMP-898 nang ito ay harangin ng isang kulay puting Mitsubishi Adventure van at Toyota Corolla at nang tutukan ng baril ay tinangay sila ng mga suspek at dinala sa hindi mabatid na lugar.
Ayon kay Senior Superintendent Rodolfo Jaraza ng CPD Investigation Unit, ang ama ni Mary Grace Cheng-Rogasas na si Robert Cheng ay inatake umano sa puso matapos na magbayad ng nasabing halaga ng ransom.
Si Cheng umano ay kasalukuyang ginagamot sa St. Luke’s Medical Center na nasa E.Rodriguez Avenue, Quezon City, subalit ayon naman sa admission department ng nasabing hospital ay wala silang ganoong pasyente na isinugod doon.
Sinabi rin ni Jaraza na ang biktima ay hindi sinaktan ng kanilang mga kidnaper at kasalukuyang nagpapalakas sa hindi mabatid na lugar.
Ayaw ding magbigay ng anumang pahayag ang pamilya ng biktima sa pulisya ukol sa pagpapalaya at ang mahalaga umano sa lahat ay ligtas ang kanilang anak. (Ulat nina Joy Cantos at Matthew Estabillo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest