Mastermind sa pawnshop robbery naaresto
June 18, 2001 | 12:00am
Humihitit pa umano ng droga nang madakip kahapon ng pulisya ang isa sa mga suspek na sinasabing mastermind o utak sa panloloob sa isang
money changer shop sa Ermita, Maynila kamakailan.
Ang suspek na si Hadjid Fallan Abbubakkar, 40, alyas Abdul Gani Abbubakkar at Boy Muslim, tubong Tausog at pansamantalang nanunuluyan sa 1801 Bo. Sta. Maria Paco, ay nabatid na itinuro ng isa sa mga malapit na kaibigan nito na nakilalang si Lourdez Mallari, 34, sa mga tauhan ng Western Field Force na nakabase sa Malacañang.
Isa umano si Abbubakkar sa tatlong armadong suspek na nagtangkang manloob sa Geslani money Changer shop na umookupa sa NBT Bldg., sa Pedro Gil St., Ermita nitong nakaraang Hunyo 13.
Ayon sa pulisya, naaresto ang suspek sa kanyang bahay habang humihitit ng shabu dakong alas-10:30 ng umaga kahapon makaraang dumulog si Mallari sa naturang istasyon ng pulisya upang sabihin na kilala niya at alam niya kung saan matatagpuan ang isa sa tatlong lalaki na nagtangkang mangholdap sa naturang money changer shop.
Nabatid din ng pulisya na si Abbubakkar ay maraming nakabinbing kaso tulad ng panghoholdap sa mga taxi driver at pagpatay sa dalawang kolektor ng NAWASA sa Quezon City at isa pa sa Mandaluyong City.
Itinuturo rin si Abbubakkar na siyang nagplano ng isang highway robbery sa lungsod ng Maynila.
Matatandaan na dakong alas-12:50 ng tanghali noong Hunyo 13 nang holdapin ng tatlong kalalakihan ang naturang money changer subalit nabigong makuha ang salapi sa kaha de yero nito makaraang makapag-buzzer ang isa sa alertong kawani na nakaalarma naman sa nakatalagang guwardiya ng nasabing gusali na nakilalang si Miguel Acupan, 42, at nakipagpalitan ng putok sa mga suspek na ikinasawi ng isa na nakilala lamang sa pangalang Dado. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am