^

Metro

GROs papasok sa Kongreso

-
Itinatag na ang isang samahan ng mga Guest Relation Officers (GROs) at iba pa na kahalintulad nila na tinawag na ‘GRO KAMI’ bilang paghahanda at panimula ng pagtatatag ng isang sektor ng mga kababaihang api na siyang sasali sa rehistro ng Commission on Elections, bilang party list na papasok naman sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Atty. Reynaldo Elizalde, spokesman ng ‘GRO KAMI’, ang grupo ay binubuo ng mga GROs, bar girls, ago-go dancers, receptionists, strip-teasers, hospitality girls, hostesses, waitresses, sauna bath attendants at iba pang kahalintulad na gawain na kalimitan ay may kaugnayan sa aliwang panggabi.

Kabilang sa mga mamumuno ng organisasyon ay isang abogado, doktor, pari o guidance counselor, police liaison, media man, secretary general at siyam na kababaihan na miyembro ng GRO KAMI.

Sinabi ni Elizalde na ang samahan ay makikipaglaban hinggil sa seguridad ng bawat miyembro sa kanilang hanapbuhay, pakikipag-ugnayan at tutulong sa kanilang mga kaso sanhi ng pag-aresto, piyansa, pagkulong, asunto sa husgado at iba pang uri ng pang-aabuso.

Bukod dito, layunin din na iangat ang dignidad ng bawat miyembro nito na inaalipusta ng ilang sektor base sa di matanggap ng publikong uri ng hanapbuhay at magbigay ng tulong na legal, medical, moral at proteksyon laban sa pang-aabuso.

Tutulungan din aniya ang bawat kasapi sa grupo ng mga manggagamot kapag sila ay magkakasakit bunga ng komplikadong hanapbuhay na malimit na nasa panganib ay ang kanilang kalusugan.

Sa pamamagitan ng organisasyon, ilalathala ang mga kaapihan ng bawat kasapi mula sa pananakit, pagmamaltrato at brutalidad lalo na sa kanilang pinaglilingkuran at ang mga kostumer.

Ipaglalaban pa rin ng samahan na maitayo ang kanilang dignidad at paggalang sa kanilang uri ng hanapbuhay ng lipunan lalo na ng pamahalaan.(Ulat ni Ellen Fernando)

AYON

BUKOD

ELIZALDE

ELLEN FERNANDO

GUEST RELATION OFFICERS

IPAGLALABAN

ITINATAG

MABABANG KAPULUNGAN

REYNALDO ELIZALDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with