Ginang tinorture bago itinapon sa ilog
June 17, 2001 | 12:00am
Isang bangkay ng isang babae na may tali ng nylon cord sa leeg at tapyas ang isang tenga ang natagpuan kamakalawa sa isang bakanteng lote sa Quiapo, Manila.
Kasalukuyan pa ring inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktimang inilarawan lamang na nasa pagitan ng edad 35-40, may taas na 5’1’’, katamtamang katawan, hanggang balikat ang buhok, nakasuot ng puting t-shirt at itim na pantalon at walang sapin sa paa.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Diomedes Labarda, may hawak ng kaso, natagpuan ang naaagnas na bangkay dakong alas-4 kamakalawa ng hapon sa madamong bahagi ng isang bakanteng lote sa Palanca St., Quiapo.
Nabatid na ilang batang Muslim na naglalaro sa nasabing lugar ang nakapansin sa nakahandusay na babae na kanila namang ipinagbigay-alam kay Cabili Rascal, ng Task Force PAGARI ng Muslim Affairs Office na siya namang tumawag sa pulisya.
Malaki naman ang hinala ng mga awtoridad na sinakal hanggang sa mapatay ang biktima dahil na rin sa nylon cord na nakapilipit sa leeg nito.
"Posible ring pinahirapan muna siya bago pinatay dahil tinapyas din ng mga salarin ang kanyang tenga. May ilang araw na rin siyang patay dahil nagsisimula na siyang maagnas bukod pa sa mabahong amoy na ini-emit ng bangkay niya," ani Labarda.
Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya upang matukoy na ang mga suspek at papanagutin sa krimen at alamin ang motibo ng pamamaslang. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended