8 drug pushers timbog sa buy bust
June 15, 2001 | 12:00am
Nasamsam kahapon ng mga operatiba ng Western Police District (WPD)-Drug Enforcement Unit ang 200 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sanhi ng pagkakaaresto sa walo katao sa Quiapo, Manila.
Iniharap kahapon sa mga mamamahayag ni Manila Mayor Lito Atienza ang mga suspek na sina Ronnie Lim, 24; Mawa Acmad at Joel Abdulatip, kapwa 20-anyos; Jimmy Ambulog; Dannie Diapatuan at Junail Casan, pawang mga 18-anyos; Esnaira Caslim, 14; at si Hanan Amil, 12, pawang mga residente sa naturang lugar.
Nabatid sa isinagawang imbestigasyon na matagal na umanong sinusubaybayan ng mga awtoridad ang walong nabanggit na suspek makaraang makatanggap ng impormasyon hinggil sa laganap na pagbebenta ng droga.
Dahil dito ay agad na bumuo ng isang grupo upang magsagawa ng buy-bust operation ang DEU kung saan nagpanggap na buyer si PO3 Alexander Rodrigo.
Nakipag-usap si Rodrigo sa suspek na si Acmad at nagkasundo ang dalawang bibili ng P100,000 kapalit ng 100 gramong shabu.
Agad na naaresto ng mga awtoridad ang mga suspek sa aktong pagbebenta at nakumpiska sa mga ito ang ilang plastic sachets at 200 gramong droga.
Ang mga suspek ay kinasuhan ng paglabag sa RA 6425 (Dangerous Drugs Act) sa Manila Regional Trial Court. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest