Lolo tinodas bago isinilid sa compartment ng kotse
June 15, 2001 | 12:00am
Isang 56-anyos na pensyonadong matandang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng compartment ng kanyang kotse matapos umano itong holdapin ng hindi pa nakikilalang mga salarin kahapon ng umaga sa Las Piñas City.
Kinilala ang biktimang si Arturo Igmo Caloy, may asawa, nakatira sa Bgy. Marulas, Kawit, Cavite ay nagtamo ng tama sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Samantala, blanko pa ang pulisya sa mga taong responsable sa kamatayan ng nasabing biktima.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Roberto Alipalo ng Criminal Investigation Division (CID), Las Piñas City police dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang biktima sa loob ng compartment ng kotse nito na may plakang PRY-352 habang nakaparada sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road, Bgy. Talon 1, ng lungsod na ito.
Nabatid na ilang mga taong dumadaan ang nakapansin sa nabanggit na sasakyan na nakabukas ang compartment at nasa loob ang isang nakahandusay na tao. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended