^

Metro

Jimenez hiling makapagpiyansa

-
Hiniling ni Mark Jimenez, ang kontrobersyal na dating kaibigan ni dating Pangulong Estrada at ngayon ay Congressman-elect sa ika-6 na distrito ng Maynila, na payagan siya ng korte na maglagak ng piyansang P100,000 sa harap ng posibilidad na maaaring maisyuhan siya ng warrant of arrest kaugnay ng extradition proceedings na kanyang kinakaharap.

Sa memorandum na isinumite ng kanyang mga abogado kay Branch 42 Judge Guillermo Purganan ng Manila Regional Trial Court, hiniling din ni Jimenez na huwag pagbigyan ng korte ang aplikasyon para sa pag-iisyu ng arrest warrant ng Department of Justice (DOJ).

Ayon sa memorandum, ang karapatan na makapagpiyansa ay ginagarantiyahan ng Konstitusyon maliban na lamang sa mga taong ang kinakaharap na kaso ay may kaparusahang reclusion perpetua, kasabay ng pagbanggit na kailangan umanong mabigyan si Jimenez ng pagkakataon na maihanda ang kanyang depensa nang hindi napaparusahan bago pa man magkaroon ng hatol.

Sinabi naman ni Jimenez na hindi niya maaaring iwan ang mga taong nagluluklok sa kanya sa puwesto at hindi rin niya maaaring abandonahin ang kanyang pitong anak na nandito sa Pilipinas, na ang dalawa ay batang-bata pa.

Sinabi naman ni Justice Sec. Hernando Perez na maaari lamang na maiurong ang nakabimbing kasong extradition treaty ni Jimenez kung gagamitin pang testigo ang huli laban kay dating Pangulong Estrada. Binigyang-diin ni Perez na muli siyang makikiusap sa Estados Unidos na huwag munang kunin si Jimenez kung gagamitin pa siya bilang testigo.

Subalit nilinaw ng kalihim na wala na ring halaga ang pagiging testigo ni Jimenez dahil sa hindi naman isinampa ng tanggapan ng Ombudsman ang kaso kung saan sinasabing kinotongan siya ni dating Pangulong Estrada ng P220 milyon. Wala na umanong halaga si Jimenez dahil sa hindi rin ito kailangan sa kaso ng Belle Corp. dahil sa corroborative lamang ang kanyang salaysay sa dalawng hawak na testigo ng DOJ. (Ulat nina Andi Garcia at Grace Amargo)

ANDI GARCIA

BELLE CORP

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTADOS UNIDOS

GRACE AMARGO

HERNANDO PEREZ

JIMENEZ

JUDGE GUILLERMO PURGANAN

JUSTICE SEC

PANGULONG ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with