^

Metro

Pulis sugatan sa barilan

-
Isang pulis Malabon ang nasugatan matapos itong makipagpalitan ng putok sa dalawa sa walong holdaper na nagtangkang mangholdap sa bahay ng isang mayamang negosyante, kamakalawa ng gabi sa boundary ng Malabon at Obando, Bulacan.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital ang biktimang si PO1 Federio Base, nakatalaga sa Hulong Duhat-Police Community Precinct bunga ng tinamong dalawang tama ng bala sa kaliwang hita.

Kasalukuyan namang tinutugis ng mga awtoridad ang walong holdaper, samantalang kinilala ng biktima ang isa sa mga suspek na isang alyas Hapon Liit ng Obando, Bulacan na mabilis na tumakas kasama ang kanyang kasamahan lulan ng isang owner type jeep at isang motorsiklo.

Bago ang insidente, dakong alas-8 ng gabi nang pagtangkaan ng mga suspek na pasukin ang bahay ni Manuelito Francisco, isang negosyante ng #044 Navarete St. Obando, Bulacan para pagnakawan.

Hindi natuloy ang panghoholdap ng mga suspek nang matunugan ng biktima kaya napilitan si Francisco na unahang paputukan ng baril ang mga suspek dahilan upang magkapalitan ang mga ito ng putok.

Nasiraan ng loob ang mga suspek kaya napilitan sila na tumakas na naging daan para makahingi naman ng tulong si Francisco sa pulisya ng Malabon sub-station 1.

Nang matanggap ni Base ang report ay agad itong nagresponde sa nabanggit na lugar, subalit hindi pa man nakakarating ang nasabing pulis sa bahay ni Francisco nang masalubong nito ang mga suspek at saka siya pinagbabaril. (Ulat ni Gemma Amargo)

BULACAN

CHINESE GENERAL HOSPITAL

FEDERIO BASE

GEMMA AMARGO

HAPON LIIT

HULONG DUHAT-POLICE COMMUNITY PRECINCT

MALABON

MANUELITO FRANCISCO

NAVARETE ST. OBANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with