Dalaga hinalay ng 2 adik

Halinhinang ginahasa ng umano’y dalawang adik ang isang 21-anyos na dalaga sa loob ng pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Si Merly (hindi tunay na pangalan) ng Sitio Gitna, Kaybiga ng nasabing lungsod ay hubo’t hubad na natagpuan ng kanyang ama sa loob ng isang nakaparadang jeep sa panulukan ng Villa Angelica at Bukid area matapos na tangayin pa ng isa sa mga suspek ang damit nito.

Agad namang nadakip ang isa sa mga suspek na nakilalang si Jupiter Torres, 21, ng #1225 Dahlia St. at umano’y kilalang adik sa kanilang lugar, samantalang mabilis namang tumakas tangay ang pantalon ng biktima ng kasama nitong si Dennis Gaudines.

Sa pahayag ng biktima, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi habang naglalakad pauwi galing sa trabaho nang lapitan siya ng mga suspek.

Mabilis na tinutukan ng patalim ang dalaga at puwersahang dinala sa naturang sasakyan na nakaparada sa naturang lugar.

Pagdating sa loob ng naturang sasakyan ay pinagtulungang hubaran ang biktima ng mga suspek at halinhinang ginahasa habang nakatutok ang patalim sa kanyang leeg. Nang makaraos ang mga ito ay pinagmasdan pa umano ang hubog ng hubad na katawan nito.

Natigil lamang umano ang panggagahasa sa kanya nang marinig ng mga suspek at biktima na may paparating na tricycle na naging dahilan upang lumakas ang loob ng dalaga hanggang sa siya ay magsisigaw at humingi ng tulong na nakatawag pansin naman sa mga nakasakay na pasahero at driver na agad na rumesponde. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments