Lolong rapist hinatulan ng 3 habambuhay
June 14, 2001 | 12:00am
Sinentensyahan ng tatlong bilang ng life sentence ng Parañaque Regional Trial Court (RTC) ang 78-anyos na lolong nanggahasa sa isang 12-anyos na batang babae na ginawa nitong sex slave sa loob ng tatlong araw.
Inutos din ni Parañaque RTC Judge Amelita Tolentino ng Branch 274 ang pagbabayad ng akusadong si Felix Nallos Montes ng kabuuang P100,000 bilang danyos sa biktima.
Base sa rekord, noong Oktubre 17, 1995 nang mangyari ang panghahalay sa biktima na itinago sa pangalang Anne, na noon ay 12-anyos pa lamang, nakatira sa naturang lungsod.
Madalas umanong nagpupunta sa bahay ng matanda ang batang babae dahil nauutusan ang huli na maghugas ng pinggan kapalit ng ibinibigay na pera ng una sa huli.
Subalit noong Oktubre 17, nasabi ring taon, laking gulat ng biktima nang bigla umano siyang yakapin at paghahalikan ng matanda sa kabila ng kanyang pagpupumiglas.
Sa tuwing gagahasain siya ng matanda, sinabi ni Anne na iginagapos pa siya nito sa paa at kamay. Nabatid na ilang araw din siyang ikinulong sa bahay ng matanda at noong Oktubre 19 lamang ng siya ay payagan na nitong makauwi. Iginiit naman ng akusado na dapat ay ibinasura ng korte ang kaso laban sa kanya dahil na rin sa nilagdaan umanong affidavit of desistance ng ina ng biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest