Tiyo ni Manila Vice Mayor Lacuna tinodas
June 14, 2001 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng di-pa nakikilalang grupo ang tiyuhin ni Manila Vice Mayor Danny Lacuna sa harap ng isang music lounge sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Benjamin Lacuna, 55, negosyante at nakatira sa Malabon City bunga ng maraming tama ng 9 mm kalibreng pistola sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Dalawang Guest Relations Officer na nagta-trabaho sa Hugs Music Lounge na matatagpuan sa kahabaan ng Mabini St., Malate ang tinamaan naman ng ligaw na bala na nakilalang sina Elvira Bolawan, 20 at Racquel Bongosia, 28 na pawang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila.
Sa ulat ng pulisya, alas-12:15 ng madaling-araw habang nasa nasabing music lounge si Lacuna ay nakaenkuwentro umano nito ang nasabing grupo ng mga suspek na nag-iinuman at nagkakantahan na isa rito ay nakilala lamang sa alyas na Jojo.
Dahil sa masama umanong tumitig ang mga suspek ay sinita umano ni Lacuna ang mga ito na noon ay nakaupo malapit sa huli na nagresulta sa mainitang pagtatalo subalit naawat din ng mga staff ng nasabing music lounge.
Lingid sa kaalaman ni Lacuna habang siya ay papalabas mula sa music lounge ay inaabangan na siya ng mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito hanggang sa mamatay.
Habang nakatayo naman ang dalawang nabanggit na GRO ay minalas naman silang tamaan ng ligaw na bala mula sa walang habas at sunud-sunod na pagpapaputok ng mga suspek. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended