^

Metro

Walang pambayad sa ininom nang-hostage ng pulis

-
Dahil sa ayaw magbayad sa alak na kanilang ininom, dalawang lalaki ang nagwala at nang-hostage pa ng opisyal ng pulisya sa loob ng isang restaurant sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Nakakulong sa Parañaque City Detention Cell ang mga suspect na nakilalang sina Mike Benito, 31, tubong Saguiran, Lanao del Sur at Salman Batugan, 34, ng Muslim Area, Roxas Blvd., ng nabanggit na lungsod.

Samantala, kinilala naman ang hinostage na si Inspector Rolando Lampad, nakatalaga sa Police Community Precint 1.

Base sa imbestigasyon ni SPO4 Glenn Ticson, ng Criminal Investigation Division, naganap ang insidente dakong alas-6 kamakalawa ng gabi sa loob ng Valencia Restaurant na matatagpuan sa Dimasalang St. Baclaran ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na uminon ng alak ang dalawang suspect sa loob ng nasabing restaurant at nang sisingilin na umano ang mga ito ay biglang nagalit at nagwala.

Agad na humingi ng tulong sa pulisya ang may-ari ng restaurant at isa sa nagresponde si Insp. Lampad na mabilis namang hinablot at hinila ng mga suspect.

Gayunman, maagap din ang ginawang pagtulong ng dalawa pang pulis kaya naagaw ang baril sa suspect na si Benito at nakawala ang naturang opisyal.

Nadakip ang dalawang suspect at nakatakdang sampahan ng kasong direct assault at illegal possession of firearm. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CITY DETENTION CELL

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DIMASALANG ST. BACLARAN

GLENN TICSON

INSPECTOR ROLANDO LAMPAD

LORDETH BONILLA

MIKE BENITO

MUSLIM AREA

POLICE COMMUNITY PRECINT

ROXAS BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with