Anak sinaksak nang nag-amok na ama
June 13, 2001 | 12:00am
Isang 6-anyos na batang babae ang nasugatan, matapos itong saksakin ng sarili niyang ama dahil lamang sa mainit ang ulo ng huli, kahapon ng madaling araw sa Makati City.
Ginagamot ngayon sa Ospital ng Makati ang biktima na nakilalang si Mary Joy Azarga, nakatira sa 2320 Marconi St., Barangay San Isidro ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong saksak sa katawan na pinakawalan ng kanyang sariling ama.
Samantala, ang amang suspect na nakilalang si Arnold Azarga ay mabilis na tumakas matapos ang isinagawang pananaksak.
Base sa imbestigasyon ni SPO4 Socrates Fernandez, may hawak ng kaso naganap ang insidente dakong alas- 12 kahapon ng madaling araw sa nasabing lugar.
Nabatid na umuwi sa kanilang bahay ang suspect na mainit ang ulo sa hindi malamang dahilan.
Ang init ng ulo nito ay ibinaling niya sa kanyang anak na noon ay natutulog. Bigla itong kumuha ng patalim at saka sinaksak ang bata.
Makaraang makita ng suspect na duguan ang kanyang anak para itong naalimpungatan at pagdakay mabilis na tumakas.
Mabilis namang isinugod ng kanyang mga kasambahay sa pagamutan ang batang biktima.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am