Isinagawa ang rali sa harap ng Gate 7 ng Palasyo dakong alas-10:30 ng umaga sa pamumuno ni Melchor Santos, na nagsabing may 1.8 milyong mga kabataan umano ang ngayon ay hindi nakapag-aral dahil sa hindi na makayanan ang pagtustos sa matrikula at iba pang gastusin.
Kinondena nila ang kawalang aksyon ng pamahalaan partikular na ang Commission on Higher Education (CHED) sa patuloy na pagtaas ng singil ng mga pribadong kolehiyo at unibersidad.
Magugunitang may 367 na mga private colleges at unibersidad at 10 state university ang nagsagawa ng pagtataas sa kanilang matrikula ngayong taon. (Ulat ni Danilo Garcia)