^

Metro

Out-of-school youths nag-rally sa Malacañang

-
Nagsagawa ng isang lightning rally ang isang grupo ng mga out-of-school youths sa harap ng palasyo ng Malacañang kahapon upang hilingin kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na bigyang solusyon ang kanilang problema matapos na hindi sila maka-enroll sa paaralan dahil sa pagtataas ng matrikula.

Isinagawa ang rali sa harap ng Gate 7 ng Palasyo dakong alas-10:30 ng umaga sa pamumuno ni Melchor Santos, na nagsabing may 1.8 milyong mga kabataan umano ang ngayon ay hindi nakapag-aral dahil sa hindi na makayanan ang pagtustos sa matrikula at iba pang gastusin.

Kinondena nila ang kawalang aksyon ng pamahalaan partikular na ang Commission on Higher Education (CHED) sa patuloy na pagtaas ng singil ng mga pribadong kolehiyo at unibersidad.

Magugunitang may 367 na mga private colleges at unibersidad at 10 state university ang nagsagawa ng pagtataas sa kanilang matrikula ngayong taon. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

HIGHER EDUCATION

ISINAGAWA

KINONDENA

MAGUGUNITANG

MALACA

MELCHOR SANTOS

NAGSAGAWA

PALASYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with