^

Metro

Trader tinodas ng mga car wash boy

-
Basag ang bungo at naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang bangkay ng isang matandang babae na hinihinalang pinatay ng kanyang mga car wash boy, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ni Senior Insp. Rudy Jaraza, ng CPD-Criminal Investigation Unit ang biktimang si Enid Pacheco, 62, negosyante ng 70 Road 1, Project 6, Quezon City.

Samantala, isang malawakang operasyon naman ang isinasagawa ng mga awtoridad upang madakip ang mga suspect na hinihinalang mga car wash boy ng biktima na nakilala lamang sa mga pangalang Boy, Randy, Sonny Boy, Abraham at Roel.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagulantang ang pamangkin at katulong ng biktima na si Lilicia Dichoso nang makita ang duguang bangkay ni Pacheco sa loob ng Jerbex restaurant malapit lamang sa Spic N Span car wash na pag-aari ng biktima dakong alas-6:30 kahapon ng umaga.

Napag-alaman na huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-2 hanggang alas-3 ng madaling araw..

Bago matagpuan ang bangkay ng matanda, sinasabing napagalitan nito ang mga suspect matapos mahuling nag-iinuman sa loob ng stay-in room ng mga car wash boy.

Malamang na nagkimkim ng galit ang mga suspect dahil sa ginawang pagbubunganga ng biktima, gayundin ang hindi pa umano naibibigay ng pasahod sa mga suspect.

Gayunman, isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

ENID PACHECO

LILICIA DICHOSO

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

RUDY JARAZA

SENIOR INSP

SONNY BOY

SPIC N SPAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with