5 lungsod 12 oras mawawalan ng tubig
June 13, 2001 | 12:00am
Labindalawang oras na mawawalan ng supply ng tubig sa mga lugar ng Maynila, Quezon City, San Juan, Mandaluyong at Pasig City, batay sa pahayag ng Maynilad Waters Inc.
Ang water interruption na magmumula ngayong Miyerkules dakong alas- 9 ng gabi at magtatapos hanggang alas-9 ng umaga ng Huwebes. Ito ay sanhi ng gagawing service improvement sa San Juan.
Kabilang sa mga maaapektuhang lugar ay ang Barangay Batis, Kabayanan, Sta. Lucia, Isabela, St. Joseph, Addition Hills, New Sanica , Mabini, Ilaya, Hagdang Bato, Pag-asa, Bagong Silang, Mauway at Coronado sa Mandaluyong at San Juan.
Apektado din ang Wack Wack, Shaw Edsa, Boni, gayundin sa Pasig City, ang Kapitolyo, Urambo, Ortigas, samantalang sa Quezon City, apektado ang Camp Crame, Cubao at Murphy area at sa Maynila naman ay ang San Andres at Sta. Ana. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest