Kinidnap na Singaporean nagbayad ng P8M ransom pinalaya
June 13, 2001 | 12:00am
Matapos ang mahigit isang linggong pagkakabihag, pagkaraang magbayad ng P8M ransom, pinalaya ng mga kidnappers na pinaniniwalaang miyembro ng isang big-time kidnapping syndicate ang isang Singaporean national sa isang lugar sa Metro Manila.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source, ang biktimang si Cheow Meng Yeo, alyas Roger Yeo ay pinalaya ng kanyang mga kidnappers matapos itong dukutin noong nakalipas na Hunyo 1 ng taong ito.
Nabatid pa na matapos mapalaya ay kaagad nang lumipad pabalik sa Singapore ang nasabing biktima sa matinding takot na balikan ng mga kidnappers.
Napag-alaman na isang police-Singaporean na bayaw ng biktima ang nagsilbing negosyador sa naturang pagpapalaya na siya ring nag-abot ng ransom nang wala man lamang koordinasyon na naganap sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).
Maging ang Singaporean Embassy ay hindi man lamang nakipagtulungan sa mga awtoridad sa bansa at nagawa lamang iulat sa kinauukulan ang nangyaring pagpapalaya nang makalabas na ng bansa ang biktima.
Si Yeo ay dinukot ng tatlong armadong kalalakihan sa loob ng kanyang tanggapan sa JSS Integrated Services Inc. sa 51 National Road, Bayan-Bayanan, Muntinlupa City dakong alas-7:30 ng gabi kamakailan at pinalaya kamakalawa lamang.
Sa nasabing insidente ay tinutukan pa umano ng baril habang mabilis na itinali ng kable ng telepono ang dalawang empleyado ni Yeo na sina Antonio Docot at John Gallener saka ikinulong sa palikuran ng tanggapan.
Nagawa namang kalagin ng dalawa ang pagkakatali at saka mabilis na inireport sa pinakamalapit na himpilan ng pulsya ang pagkidnap sa kanilang amo.
Sinasabing pang-apat nang Singaporean si Yeo na naging biktima ng kidnapping sa bansa nito lamang nakalipas na anim na buwan, bagamat walang opisyal na rekord ang PNP at NBI hinggil dito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest