^

Metro

Pasahero nangulimbat sa loob ng eroplano

-
Sinong may sabing ‘millionaires don’t steal’ ?

Alam ba ninyong isang residente ng exclusive village sa Makati na pasahero sa economy class ng Philippines Airlines flight buhat sa San Francisco ang umamin kahapon na pumuslit sa business class at saka kinuha ang pera ng isang natutulog na pasahero doon.

Gayunman, nagpasya ang nabiktima na si Quintina Timbol Castel, ng 5 Longoes St., Calumpit, Bulacan na patawarin na lamang ang suspect na nakilalang si Kristina Basa, 43, ng Dasmariñas Village, Makati, matapos na maibalik sa kanya ang kinuhang $5,000.

Base sa imbestigasyon na isinagawa ni Maj. Esmeralda Saplala, Customs police chief sa Ninoy Aquino International Airport na ang biktima at suspect ay kapwa pasahero sa Flight 105 ng PAL galing sa San Francisco.

Nadiskubre lamang ang nakawan nang magising si Castel tatlong oras bago bumaba ang kanilang eroplano sa NAIA at mabatid na wala sa loob ng kanyang wallet ang kanyang mga dolyares.

Dalawang kasamahang pasahero ni Castel sa business class ang nagsabi dito na isang babae na nakasuot ng pulang jacket buhat sa economy class ang umupo sa bakanteng upuan ng eroplano malapit sa kinalalagyan ng biktima na noon ay natutulog. Nakita rin nila na kinuha nito ang pera sa wallet ng biktima.

Nanatiling nanahimik ang biktima tungkol sa nawawala niyang pera hanggang sa makababa ang eroplano at agad niya itong iniulat sa Customs authorities.

Sa isinagawang physical search kay Basa nakuha dito ang ilan sa nawawalang dolyares habang ang iba naman ay nakuha sa kanyang hand-carried luggage.

Matapos mabuko, inamin ng suspect na kinuha nga niya ang pera sa biktima sabay ang pagluhod at paghingi ng tawad. (Ulat ni Rey Arquiza)

CASTEL

ESMERALDA SAPLALA

KRISTINA BASA

LONGOES ST.

MAKATI

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINES AIRLINES

QUINTINA TIMBOL CASTEL

REY ARQUIZA

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with