Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng krimen sanhi ng isang saksak sa dibdib ang biktimang nakilalang si Eduardo Canete,42, ng Bgy. Camarin, ng nasabing lungsod.
Samantalang dinala naman sa Tala General Hospital ang suspect na nakilalang si Jupeterly Linguna, 23, mason, ng Phase 6, Bagong Silang ng nabanggit na siyudad matapos itong tamaan ng pana sa baba. Sugatan din ang kapatid ng biktima na si Fidel Canete na nagtamo rin ng saksak sa dibdib.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas- 5 ng hapon ng magtungo ang biktima kasama ang asawang si Babylee sa bahay ng suspect upang singilin sa utang nitong P150, gayunman hindi nila inabutan sa bahay ang suspect kaya nagpasya na lamang ang mag-asawa na umalis na.
Makalipas ang ilang oras ay nagpasya ang mag-asawa na bumalik sa bahay ng suspect, subalit nakasalubong na nila sa daan pa lamang ang huli.
Ikinagalit ng suspect ang ginagawang paniningil ng mag-asawa, dahilan upang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng nasawing si Canete at suspect na si Linguna.
Ang pagtatalo ay nauwi pa sa pagduduelo ng kapwa magbunot ng patalim ang biktima at suspect.
Nasaksak ng suspect ang biktima na dito naman biglang dumating ang kapatid ni Eduardo kasama ang pamangkin si Marvie
Gayunman, nilusob pa rin ng saksak ng suspect si Fidel, dahilan naman upang panain siya ng pamangkin nito. (Ulat ni Gemma Amargo)