^

Metro

Big time swindler timbog

-
Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Non-Government Organizations at Criminal Investigation and Detection Group Northern Field Office ang isang big time swindler noong Sabado sa Malabon City.

Si Angelita Moreno, 47, ng Paradise Village, Barangay Tonsuya, Malabon ay matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad bunga na rin ng kaso nitong large scale estafa.

Ayon kay Supt. Gene Ines Abrajano, ng CIDGG-NFO si Moreno ay nahaharap sa siyam na kaso ng swindling cases sa iba’t ibang korte sa Malabon at apat na warrant of arrest. Isa dito ay walang piyansanng inirekomenda ang korte.

Ang pagkakadakip kay Moreno ay bunga na rin ng surveillance na isinagawa sa pangunguna ni Sr. Insp. Lito Palaruan at SPO4 Jaime Acido.

Subalit ang lahat ng akusasyon ay pinasinungalingan ni Moreno sa pagsasabing hindi niya alam ang kanyang pagkakasangkot dito.

Sa ilalim ng memorandum ng agreement sa Civilian Volunteers Against Crime (CVAC) inoobliga ang mga residente at miyembro nito na imonitor at ireport ang anumang kriminalidad sa kanilang komunidad partikular ang mga ilegal na droga at panloloko. (Ulat ni Pete Laude)

BARANGAY TONSUYA

CIVILIAN VOLUNTEERS AGAINST CRIME

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP NORTHERN FIELD OFFICE

GENE INES ABRAJANO

JAIME ACIDO

LITO PALARUAN

MALABON

MALABON CITY

MORENO

NON-GOVERNMENT ORGANIZATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with