Pulis sinapak ng trike driver
June 11, 2001 | 12:00am
Bunga na rin ng kapayatan at pagdadamit ng karaniwan, isang pulis ang hindi iginalang at sinapak pa ng isang tricycle driver kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.
Agad namang nagsisi ang suspek na si Joepeter Laddaran, 24, may asawa ng Block 18 Welfareville Compound matapos na pormal na ireklamo ni SPO1 Eric Mijares, 48, na nakatalaga sa Police Community Precint 4 at residente ng 84 Maysilo St. ng naturan ding lungsod.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na muntik nang masagasaan ni Laddaran si Mijares matapos itong makapamili sa palengke dakong alas 8:45 ng umaga sa EDSA Central Wet Market.
Sa halip umanong magpaumahin si Laddaran ay lalu pa itong nagalit at pilit na sinindak si Mijares.
Bagama’t nagpakilalang isang pulis si Mijares, sinuntok pa rin siya ng suspek na naging dahilan ng kanilang pagbubuno.
Ayon kay Mijares, hindi siya pinaniwalaan ni Laddaran na siya’ y isang pulis dahil na rin sa kanyang itsura. Si Laddaran ay kakasuhan ng direct assault upon a person on authority. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended