^

Metro

Principal hiling patalsikin

-
Dahilan sa hindi umano makataong pagtrato, naghain ng isang petisyon ang mga guro ng Tala National High School sa tanggapan ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) upang patalsikin ang kanilang prinsipal, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Base sa reklamo ng mga guro, hiniling ng mga ito na ilipat na sa ibang paaralan ang kanilang punong-guro na si Lazaro Gervacio IV dahilan sa umano’y madalas nitong panghihiya sa kanila sa harap ng mga tao na labis na nakakasira sa kanilang pagkatao.

Ayon sa may 70 guro na nagrali sa harap ng tanggapan ni District School Supt. Elizabeth Manalo, hindi na umano nila matagalan ang masamang pag-uugali ng nasabing prinsipal.

Sinabi ni Mario Serrano, isa sa nagrereklamong guro na madalas din umano nilang maringgan ng hindi magagandang pananalita si Gervacio tulad ng lagi nitong sinasabi na "masunog na sana ang naturang paaralan para hindi na kayo (mga guro ) lumamon, tutal ako kahit wala itong paaralang ito siguradong susuweldo ako ".

Kaugnay nito, magsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang tanggapan ni Manalo upang alamin kung may katotohanan ang sumbong ng naturang mga guro laban sa kanilang prinsipal. (Ulat ni Gemma Amargo)

CALOOCAN CITY

CULTURE AND SPORTS

DEPARTMENT OF EDUCATION

DISTRICT SCHOOL SUPT

ELIZABETH MANALO

GEMMA AMARGO

GURO

LAZARO GERVACIO

MARIO SERRANO

TALA NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with