^

Metro

3 lider ng Yakuza nasabat sa NAIA

-
Pinigil kahapon ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong pinaghihinalaang lider ng kilabot na grupo ng Yakuza Gang na kilala bilang "Oyabu" na nangangahulugang ‘big boss’.

Sinabi ni Tom Natividad, BI Special Assistant for Intelligence on Airport Operations, na sina Mizuma Tasushi, 34; Takami Masanobu, 29 at Yokota Yoshikuni, 38, ay pawang pinabalik sa kanilang pinanggalingan.

Binanggit pa nito, na ang tatlong Japanese mafia leaders ay dumating sa bansa lulan ng Thai International Airlines flight TG-621 mula sa Kansai, Japan.

Sa immigration counter pa lamang para sa kaukulang clearing purposes ay kaagad na napuna ni BI intelligence agent Fortunato Manahan, Jr. ang kahina-hinalang ikinikilos ng tatlong Hapones habang nagsasagawa ang mga awtoridad ng ‘profiling’ na standard operations procedure sa dumarating na mga pasahero.

Bunga nito, inimbitahan ng mga ahente ng BI ang tatlong Hapones, kung saan sa imbestigasyon ay natuklasang burdado ng iba’t ibang uri ng makukulay na tattoo ang katawan ng mga ito at putol ang index finger ni Takami pangkaraniwang masusumpungan sa mga miyembro ng Yakuza.

Malaki ang paniwala ng mga awtoridad na ang tatlong top ranking leaders ay kabilang sa bantog na ‘Yamaguchi Gumi Family’, ang pinakamalaking Yakuza organization sa Japan na binubuo ng may milyong miyembro.

Pinaniniwalaan din ng BI na sangkot ang mga ito sa pagre-recruit ng mga kabataan at mga Pinay na gustong makapag-trabaho sa Japan sa pamamagitan ng ‘marriage of convenience’ at exploitation ng mga Filipina entertainers. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

AIRPORT OPERATIONS

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

FORTUNATO MANAHAN

HAPONES

MIZUMA TASUSHI

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SPECIAL ASSISTANT

TAKAMI MASANOBU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with