^

Metro

3 bading timbog sa pagpatay sa Hapones

-
Tatlong bading na hinihinalang responsable sa pagpatay sa isang Hapones na natagpuan kamakailan na lulutang-lutang sa Manila bay ang inaresto ng mga operatiba ng Western Police District matapos na lumantad ang isang testigo at ituro ang mga ito kahapon.

Kinilala ng pulisya ang tatlong suspect na sina Ariel Santos, 28, alyas Sugar; Reuben de Guzman, alyas Candy at Luisito Vergara, alyas Cindy, pawang naka-check in sa Longwood Hotel sa F. B Harrison sa Pasay City.

Ayon sa ulat ng pulisya, unang inaresto ng pulisya si de Guzman dakong alas-3 ng madaling araw sa Malate, Maynila.

Dakong alas-6 naman ng umaga ay sinalakay na ng mga awtoridad ang nasabing motel na dito naka-check- in pa ang dalawang nabanggit na suspect.

Ang pagkaaresto sa mga suspect ay base na rin sa naging salaysay ng witness na nakilalang si Cristy Sual, isang matandang vendor sa Malate.

Ayon sa testigo nakita umano niyang kasama ng nasawing biktimang si Keichi Wada, 40, isang turistang Hapones, tubong Awanoya-Cho, Ashikaga City ang suspect na si de Guzman bago matagpuan ang labi ng dayuhan kamakailan.

Itinanggi naman ng mga nadakip na may kinalaman sila sa naganap na pagpaslang sa Hapones.

Magugunitang, ang bangkay ni Wada ay natagpuang lumulutang sa Manila Bay noong nakalipas na Hunyo 1. Ito ay nagtamo ng mga saksak sa katawan.

Una na ring lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na isa ring turistang Hapon na kasama sa negosyo na videoke bar sa Davao City ng biktima na si Zhoso Otani ang pinaghihinalaan sa krimen.

Bago makita ang bangkay ni Wada ay nakita pa itong kasama ni Otani.

Nabatid na malaking halaga ng pera ang posibleng dahilan ng pagpaslang sa biktima na siya ngayong iniimbestigahan ng pulisya. (Ulat ni Ellen Fernando)

ARIEL SANTOS

ASHIKAGA CITY

AYON

B HARRISON

CRISTY SUAL

DAVAO CITY

ELLEN FERNANDO

GUZMAN

HAPONES

KEICHI WADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with