^

Metro

Bitay sa kumidnap at pumatay sa anak ng Judge

-
Maaaring parusang kamatayan ang ipataw sa tatlong suspects na umaming sangkot sa pagdukot at pagpaslang sa anak ng dating Quezon City Judge Marciano Bacalla, ayon sa Department of Justice.

"Ang kidnapping-for-ransom with homicide ay may katapat na parusang kamatayan. Inirekomenda namin na walang bail para sa pansamantalang paglaya ng mga ito," ayon kay State Prosecutor Perfecto Lawrence Chua Cheng, miyembro ng inquest team na pinamumunuan ng kanyang kasamahang si Richard Anthony Fadullon.

Ito’y matapos na isampa kahapon ng DOJ prosecutors ang kidnap-slay charges sa Quezon City Regional Trial Court laban sa mga suspects na sina Onofre Surat, 38, umano’y utak sa pagdukot at pagpaslang sa biktimang si Mark Harris Bacalla. Kinasuhan din ang dalawa pa nitong tauhan na sina Rodrigo Catungal, 22 at waiter na si Jerro Garcia, 22.

Magugunitang inamin noong nakalipas na Miyerkules ni Surat na sila ang dumukot at aksidenteng nakapatay sa batang Bacalla. Tanging intensyon nila ay hingan lamang ang magulang nito ng ransom, subalit dahil sa nanlaban ang biktima ay aksidenteng napatay ito.

Bukod dito, nahaharap din si Surat sa isa pang kaso, ito ay ang illegal possession of firearms matapos masamsaman ng 9mm pistol. (Ulat ni Delon Porcalla)

DELON PORCALLA

DEPARTMENT OF JUSTICE

JERRO GARCIA

MARK HARRIS BACALLA

ONOFRE SURAT

QUEZON CITY JUDGE MARCIANO BACALLA

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with