2 Intsik, 2 Pinoy hinatulan ng habambuhay
June 8, 2001 | 12:00am
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol kahapon ng Makati City Regional Trial Court (MRTC) sa dalawang Chinese nationals at dalawa pang Pinoy na nasamsaman ng may 58 kilo ng shabu sa isang hotel sa Makati City noong nakalipas na taon.
Base sa 33-pahinang desisyon na ibinaba ni Makati City RTC Judge Ricardo R. Rosario ng Branch 66 napatunayang magkakasabwat sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ang mga akusado na sina Sai Man Kwok, 40; Chi Sing Law, 38 at ang dalawang Pinoy na sina Daniel Cua, 35 at Paterno Sebastian, na siyang kontak ng dalawang dayuhan sa bansa.
Nabatid na noong nakalipas na Mayo 11, ng nagdaang taon ay sinalubong sa Airport nina Cua at Sebastian ang dalawang dayuhan.
Nagtuloy ang mga ito sa City Garden Hotel sa Makati sa Room 726 na dito na nadakip ang mga akusado.
Isang drug-bust operation ang inihanda ng mga awtoridad na dito naman kumagat ang mga suspect.
Nasamsam sa mga ito ang may 58 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng may P30 milyon.
Positibo umanong miyembro ng Hongkong syndicate ang dalawang nahatulang dayuhan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am