^

Metro

Pulis utak din sa Bacalla kidnap-slay

-
Ibinunyag kahapon ng isa sa apat na suspect na hawak ng National Bureau of Investigation (NBI) na isang kagawad ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang may pakana sa pagdukot at pamamaslang kay Mark Harris Bacalla na anak ni dating Judge Marciano Bacalla ng Quezon City Regional Trial Court.

Base sa pagtatapat ni Jerro Garcia, sumukong suspect na may pinakamaliit na partisipasyon sa krimen, kinumpirma nito na bukod sa nadakip na si Onofre Surat Jr. na sinasabing utak sa naganap na krimen ay isa pa umanong kagawad ng PNP-CIDG ang nagbigay sa kanila ng instruksyon sa kanilang isinagawang pagdukot at pagpaslang sa batang Bacalla noong nakalipas na Mayo 3 sa Novaliches, Quezon City.

Hindi muna tinukoy ang pangalan ng nasabing pulis dahil sa pangyayaring noon lamang niya nakita ang pulis ng araw na isasagawa nila ang krimen at maliban sa narinig lang niya sa kanyang mga kasamahan na ito ay miyembro ng CIDG. Si Surat umano ang higit na nakakaalam at nakakakilala dito.

Si Garcia ay lumantad sa NBI matapos malamang magkakasabay na inaresto sina Surat Jr., ang asawa nitong si Edna at isa pang kasamahang si Rodrigo Catungal sa isinagawang pagsalakay sa kanilang hideout sa Pasig City.

Magugunita na noong Mayo 2 matapos na imbitahin ni Surat sa kanyang kaarawan si Bacalla ay doon naganap ang karumal-dumal na krimen. Sa kabila na napatay na ng grupo ang biktima ay nakuha pa ng mga ito na humingi ng P400,000 ransom sa pamilya nito. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BACALLA

JERRO GARCIA

JOY CANTOS

JUDGE MARCIANO BACALLA

MARK HARRIS BACALLA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ONOFRE SURAT JR.

PASIG CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with