^

Metro

Lacson, 37 iba pa makukulong sa Kuratong slay raps

-
Nahaharap sa pagkaaresto at pagkakulong si Senator elect Panfilo Lacson matapos na tuluyang isampa kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang multiple murder charges laban sa kanya at 37 iba pa na may koneksyon sa umano’y naganap na rubout sa 11 Kuratong Baleleng noong nakalipas na Mayo 1995.

Bukod kay Lacson, kinasuhan din sa Quezon City court sina Chief Supts. Jewel Canson; Romeo Acop, Francisco Zubia, Senior Supts. Michael Ray Aquino, Cesar Mancao III, Glenn Dumlao at 31 pang police officers.

Sinabi ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuno na ang panel ng prosecutors na humawak sa preliminary probe ay nagrekomenda na walang piyansa para sa dating opisyal at tauhan ng binuwag na PAOCTF.

Ito ang pangalawang pagkakataon na ang criminal case ay iharap sa korte buhat noong Marso 1999, gayunman nilinaw ni Zuno na walang naganap na ‘double jeopardy’ sa kaso dahil sa wala namang naganap na arraignment kahit noon pa man. (Ulat ni Grace Amargo)

CESAR MANCAO

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZUNO

CHIEF SUPTS

DEPARTMENT OF JUSTICE

FRANCISCO ZUBIA

GLENN DUMLAO

GRACE AMARGO

JEWEL CANSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with