Reklamo ng 5 Koreano
June 7, 2001 | 12:00am
Humihiling ng katarungan sa gobyerno ng Pilipinas ang 5 Koreano matapos umano silang maltratuhin at pahirapan ng ilang opisyal ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) kasama ang isang mataas na opisyal ng Korea Embassy habang ang mga ito ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig.
Sa isang joint affidavit ng mga biktima na sina Ahn Seok Joon, Park Jae Hoo, Kim Kyung Hee; Choi Gun at Ahn Seok Joon, nakabase sa New York City, USA, pawang mga negosyante at pansamantalang nanunuluyan sa City Garden Hotel na matatagpuan sa Makati Avenue, Makati City, nagsampa sila ng kasong serious physical injuries, maltreatment of prisoners at dismissal from the service laban kina Consul of Police Attachee Gyung Taek Chan ng Korean Republic Embassy na matatagpuan sa Trafalgar Plaza, H.V. dela Costa St., Salcedo Village ng nabanggit na lungsod; Lino Calingasan; Winnie Quldato at Dante Atienza, pawang mga opisyal ng BID.
Sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Rod Domingo, sinabi ng mga biktima na noong Marso 21 ng taong kasalukuyan dakong alas-9:00 ng gabi habang nasa kahabaan sila ng P. Burgos St., Barangay Poblacion ng lungsod na ito isinagawa ang umano’y iligal na pag-aresto sa kanila ng mga opisyal ng BID kasabwat ang kanilang consul na si Cha at inaakusahan sila ng human smuggling.
Nabatid sa nabanggit na mga dayuhan na wala umanong maipakitang kaukulang dokumento ang mga opisyal ng BID hinggil sa kasong inaakusa sa kanila.
Nakaranas umano sila ng matinding torture at gulpi mula sa ilang opisyal ng BID habang sila ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig, ang detention cell ng nabanggit na tanggapan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended