2 holdaper ng mga taxi nasabat
June 6, 2001 | 12:00am
Dalawang kilabot na holdaper na sangkot sa serye ng panghoholdap sa mga taxi driver ang nadakip ng pulisya sa aktong nililimas ang maghapon kinita ng pinakabago nilang biktima, kahapon ng madaling araw sa Pasig City.
Nakilala ang mga nadakip na sina Jones Orosco, 28, ng Barangay Malinao, Pasig City at Jun Abad, 22, ng Tramo, Pasay City.
Ayon sa ulat, ang dalawa ay nadakip ng mga awtoridad matapos maaktuhang hinoholdap sa may New Society St. , Barangay Sta. Lucia, dakong alas-3:50 ng madaling araw ang biktimang si Gaudioso Riosa, 61, ng Damayan St., Sta Ana, Manila.
Hindi na nakapalag ang mga suspect nang palibutan ang Sandeca Taxi na minamaneho ng biktima ng mga armadong pulis, kaya napilitan ang mga ito na sumuko. Hindi naman nasaktan si Riosa.
Sa loob ng Pasig police, agad na lumitaw ang isa pang biktima na nakilalang si Alejandro Santos, 43, driver ng Ofelia Taxi at itinuro si Orosco na siyang nangholdap sa kanya noong nakalipas na Mayo 27.
Nabatid na may siyam pang biktima ang mga suspect na nakatakdang lumutang at kilalanin ang mga nadakip.
Kasalukuyang nakaditene ang dalawang suspect sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong multiple robbery. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest