^

Metro

Kaso vs Lacson tuloy - DOJ

-
Tuloy ang nakatakdang pagsasampa ng kaso laban kay newly-proclaimed Senator Panfilo Lacson kaugnay ng kasong pagkidnap at pagpaslang sa PR man na si Bubby Dacer at sa driver nito na si Emmanuel Corbito.

Sa isang pulong balitaan sa Malacañang, ikinatuwiran ni Justice Secretary Hernando Perez na hindi hadlang sa kaso ang pagkakahalal kay Lacson bilang senador.

Nilinaw ni Perez na si Lacson ang itinuturong utak sa ‘Dacer case’ ng nadakip na si Supt. Glen Dumlao na isang opisyal ng binuwag na PAOCTF.

Kasabay nito, pinabulaanan ng Malacañang ang alegasyong ginigipit si dating PNP chief at Senator Panfilo Lacson.

Ikinatuwiran ni Perez na ang nagsangkot at nagtuturo kay Lacson ay si Supt. Dumlao na dati nitong tauhan sa binuwag na PAOCTF at hindi sila kaya hindi maituturing na ito ay isang panggigipit.

Samantala, ibinasura kahapon ng Manila court ang restraining order petition na iniharap ni Senator -elect Panfilo Lacson para pigilan ang DOJ sa pagbubukas ng Kuratong-Baleleng massacre case.

Tinanggihan ni Judge Herminia Pasamba ng Manila Regional Trial Court Branch 40 ang nasabing petisyon ni Lacson na kamakalawa lamang ay nagtagumpay na makakuha ng TRO sa sala ni Judge Hermogenes Liwag ng Branch 55.

Magugunitang kaiba sa naging desisyon ni Pasamba, ang desisyon ni Liwag ay pahintuin ang DOJ sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa kidnapping at murder case ni Lacson.

Sa kanya namang desisyon, ikinatuwiran ni Pasamba na walang dahilan upang ihinto ang pagbubukas ng kaso ng Kuratong-Baleleng na hindi naman nalitis.

Nakatakda namang iapela ng mga abogado ni Lacson ang naging desisyon sa Supreme Court. (Ulat nina Ely Saludar at Jose Aravilla)

BUBBY DACER

ELY SALUDAR

EMMANUEL CORBITO

GLEN DUMLAO

JOSE ARAVILLA

JUDGE HERMINIA PASAMBA

JUDGE HERMOGENES LIWAG

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

LACSON

SENATOR PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with