TRO inisyu ng korte laban sa kaso ni Lacson
June 5, 2001 | 12:00am
Ipinahinto kahapon ng Manila Regional Trial Court (MRTC) sa Department of Justice (DOJ) sa pagsasagawa nito ng imbestigasyon hinggil sa kasong kidnapping na kinakaharap ni dating PNP chief Panfilo Lacson.
Ito ay makaraang magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) si MRTC Branch 55 Judge Hermogenes Liwag, kung saan ay inalisan nito pansamantala ng karapatan ang DOJ na magsagawa ng imbestigasyon laban kay Lacson.
Kasunod nito, itinakda ni Judge Liwag ang pagdinig sa kasong kidnapping upang mapag-usapan ang merito ng kaso.
Magugunitang humiling ng TRO sa Manila RTC ang grupo nina Lacson dahil umano sa paniniwalang walang hurisdiksyon ang DOJ upang mag-imbestiga sa kasong kidnapping for ransom at murder na isinampa laban sa kanila na isiniwalat ni dating deep penetration agent Mary Ong, alyas Rosebud kaugnay sa pagdukot at pagpatay sa limang Chinese nationals kamakailan.
Naniniwala ang mga ito na bilang mataas na opisyal ng pamahalaan, nararapat lamang na ang Ombudsman ang mag-imbestiga sa kanila.
Kasama ng dating heneral sa sinampahan ng naturang kaso sina Gen. Reynaldo Acop, Col. Michael Ray Aquino, Francisco Villaroman at iba pang mga miyembro ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) kung saan ay kahapon nakatakda silang magsumite ng counter affidavit. (Ulat nina Grace Amargo at Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended