Ama tinarakan, napatay ng anak
June 3, 2001 | 12:00am
Dahil sa hindi na matiis ang palaging pananakit ng kanyang ama sa kanyang ina, nagawa ng isang 16-anyos na binatilyo na saksakin hanggang sa mapatay ang una, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Hindi na umabot pang buhay sa Mary Johnston Hospital ang nasawing ama na si Samuel Dalire, 46, walang hanapbuhay, tubong Sto. Niño, Cagayan at kasalukuyang naninirahan sa 171B Velasquez St., Tondo.
Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang anak nitong suspect na nakilalang si Richard na mabilis na tumakas makaraan ang pananaksak.
Sa imbestigasyon ni Detective Rodelio Lingcong, ng Western Police District- Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-10:45 ng gabi matapos na umuwing lasing ang biktima sa kanilang tahanan sa nasabing lugar.
Dito ay sinimulang saktan ng nasawi ang kanyang asawa na pinagbibintangan niyang may kinalolokohang ibang lalaki,
Habang binubugbog ng biktima ang kanyang misis ay dumating ang kanilang anak na si Richard at nasaksihan ang ginagawang pananakit ng kanyang ama sa kanyang ina.
Tinangka nitong awatin ang kanyang ama, subalit hindi siya pinakinggan hanggang sa biglang kumuha ang binatilyo ng patalim at inundayan ng saksak ang kanyang sariling ama.
Matapos ang insidente ay mabilis namang tumakas ang suspect. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest