Pulis inireklamo ng kidnapping
June 2, 2001 | 12:00am
Isang pulis ang ipinagharap ng kasong abduction makaraang ireklamo ito sa tanggapan ng DILG ng isang ina na umanoy dumukot sa anak niyang dalaga na dapat sana ay mag-aartista, kamakailan sa Makati City.
Ang ipinagharap ng reklamo ay si PO2 Dennis Arenas, nakatalaga sa WPD Station 7 at naninirahan sa Obrero, Maynila.
Sinasabing dinukot nito si Candy 18, ng 9115 Labanda St., Guadalupe Nuevo, Makati.
Ayon sa salaysay ng ina ng biktima na si Mrs. Araceli dela Cruz, nawala ang kanyang anak noong nakalipas na Mayo 15 makaraang abangan at dukutin umano ng suspect na pulis.
Ayon sa testigong si Irene dela Cruz, hipag ng biktima na dakong alas-4:30 ng hapon ng nabanggit na petsa ay nakita niyang sapilitang hinila at isinakay ni PO2 Arenas ang biktima sa isang kotse makaraang abangan sa Labanda St. habang papasakay sa jeep ang dalaga.
Inihayag pa ng ina ng biktima na nanliligaw umano ang pulis na suspect sa kanyang anak, subalit binigo ito ng dalagita dahil may pangarap pa itong pumasok sa larangan ng showbis. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended