Truck driver sinalvage ng lasing na pulis
May 31, 2001 | 12:00am
Isang pulis na lango sa alak ang nakuhang mag-salvage ng isang truck driver makaraang barilin niya kahit nakaluhod na at nagmamakaawa sa kanya, habang sugatan din ang isang foreman ng construction, kahapon ng madaling araw sa Pasig City.
Animoy mistulang maamong tupa ngayon sa loob ng Pasig detention cell ang naarestong suspect na si SPO1 Robert Ortiz, nakatalaga sa Police Community Precint 3 sa Karangalan Village, Barangay Sta. Lucia, Pasig City. Nahaharap ito ngayon sa mga kasong murder at frustrated murder.
Nakilala naman ang nasawing biktima na si Rodel Bacolod, 21, binata, na namatay noon din bunga ng isang bala na tinamo sa ulo. Nasa malubha namang kalagayan ang foreman na nakilalang si Fernando Giludo, 32, na nagtamo naman ng tama sa kaliwang pisngi.
Masuwerte namang nakatakbo at hindi tinamaan ng pagpapaputok ng baril ang isa pang kasamahan ng dalawa na si Lawrence Mata, 29, civil engineer.
Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas- 3:30 ng madaling araw kahapon sa tapat ng MMDA impounding area na nasa Ortigas Avenue Extension, Barangay Rosario, Pasig na dito hinuli ang tatlo ng isang ahente ng MMDA at kinuha sa nasawing driver ang lisensiya niya.
Paalis na ang grupo ng mga biktima, nang mag-over-take sa kanila ang pulis na si Ortiz na nag-iisang sakay ng patrol car (E-231). Pinara umano sila ng suspect at hiningi ang lisensiya ni Bacolod na ang tanging nailabas ay ang traffic violation receipt na ibinigay ng humuli sa kanyang tauhan ng MMDA.
Nakiusap naman si Mata na pag-usapan na lamang kung ano man ang kanilang naging paglabag, kasabay nang paghingi ng pulis ng halagang P2,000.
Idinagdag pa ni Mata na nagbanta ang pulis na may mangyayari sa kanila kung hindi ibibigay ang nasabing halaga.
Ilang ulit din umanong pinagtatadyakan ng pulis ang kanyang tauhang si Bacolod at inutusang lumuhod at nang makaluhod ay tuluyang pinaputukan sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Dalawang magkakasunod pang putok ang kanyang narinig kaya nagpasya na siyang tumakbo lalo pa ngat nakita niyang bumagsak ang dalawa niyang kasamahan.
Agad namang naaresto ang pulis na si Ortiz na tumangging magbigay ng anumang pahayag sa insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended