^

Metro

Francis M. naaktuhang humihitit ng 'damo', arestado

-
Dinakip ng mga tauhan ng Central Police District Command (CPDC) ang sikat na master-rapper at host ng noontime show ‘Eat Bulaga’ na si Francis Magalona at ang kasama nito makaraang mahuli sa aktong humihitit ng marijuana sa loob ng kanyang sasakyan, kamakalawa sa Quezon City.

Bukod kay Magalona, 36, inaresto rin ang kasamahan nitong nakilalang si Alfredo delos Santos, 31.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:15 kamakalawa ng hapon nang maispatan nina PO3 James Bautista at PO1 Miguel Cordero ng Mobile Patrol ang itim na Honda CRV na may plakang WJM-853 na kahina-hinalang naka-park sa gilid ng daan sa panulukan ng Hemady St. sa New Manila, Quezon City.

Nang tigilan ito ng mga pulis para ma-check ay nakita nila sina Magalona at delos Santos sa aktong humihitit ng marijuana sa loob ng sasakyan.

Nang makita ni Magalona na noon ay naka-upo sa driver seat ang mga pulis ay mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan.

Hinabol sila ng mga pulis hanggang makarating sa may E. Rodriguez Boulevard at nang abutan ay binangga pa nito ang naturang mobile car.

Nang siyasatin ang sasakyan ng master-rapper nakuha rin dito ang ilang stick ng pinatuyong dahon ng marijuana at shabu paraphernalias.

Nasa poder pa rin ng CPDC si Magalona at kaibigan nito kasama ang abugado ng master-rapper kaya nabigong makadalo sa kanyang noontime show sa ‘Eat Bulaga’ ang nabanggit na TV host.

Inihahanda ng pulisya ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nadakip. Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Magalona kaugnay sa pagkakadakip sa kanya.(Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

CENTRAL POLICE DISTRICT COMMAND

EAT BULAGA

FRANCIS MAGALONA

HEMADY ST.

JAMES BAUTISTA

MAGALONA

MIGUEL CORDERO

MOBILE PATROL

NANG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with