Coordinator kritikal sa payroll holdap
May 31, 2001 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ang isang coordinator ng isang kompanya matapos na pagbabarilin ng isa sa dalawang holdaper na tumangay sa tinatayang P230,000 halaga ng payroll money, kahapon ng umaga sa Pasig City.
Ginagamot sa Pasig City General Hospital ang biktimang nakilalang si Joselito Bautista, 40, coordinator ng San Sebastian Allied Services Inc., sa lungsod na ito. Nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa katawan at isa pa sa hita.
Base sa isinagawang imbestigasyon, sakay sa isang kulay puting Nissan Datsun pick-up van si Bautista kasama ang driver na si Virgilio Manacop , Enrique Sumulong, accounting assistant at isa pang hindi nakikilalang empleyado dakong alas-10:30 ng umaga nang harangin ng dalawang hindi nakikilalang suspect sakay sa isang pulang motorbike sa kahabaan ng Mercedez Avenue, Barangay San Miguel, Pasig City.
Nabatid na kagagaling pa lamang ng grupo ng biktima sa Metro Bank-Kapasigan Branch ay nag-withdraw ng pasahod sa mga empleyado.
Agad na tinutukan ng mga suspect ang mga pasahero ng pick-up van na nagkanya-kanyang pulasan. Ipinasa ni Sumulong ang shoulder bag na naglaman ng salapi kay Bautista na siyang pinag-initan ng mga suspect.
Tinangka pang tumakbo ni Bautista kaya napilitang barilin siya ng isa sa mga suspect. Matapos tumumba ang biktima ay agad na kinuha ng mga suspect ang bag ng pera at saka mabilis na tumakas.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended