^

Metro

Dalagita hinalay ng textmate

-
Dahil sa mahilig makipag-text sa hindi kakilala, isang 14-anyos na dalagita ang tinangay at ginahasa ng kanyang bagong ka-textmate, kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Ang biktima na itinago sa pangalang Merly, high school student ng Caloocan City ay sinamahan ng kanyang lola para ipagharap ng sumbong ang suspect na nakilalang si Eugenio Macariola, 18, estudyante ng Tamaraw Hills, Valenzuela City.

Base sa salaysay ng biktima, dakong alas- 4 kamakalawa ng hapon ng personal silang magkita ng suspect na bago niyang ka-textmate sa isang department store sa Monumento.

Mula doon ay dinala siya ng suspect sa bahay ng isa nitong kaibigan sa Valenzuela.

Habang nasa loob ng naturang bahay ay niyaya siya ng suspect at ng kaibigan nito na makipag-inuman na pinagbigyan naman niya.

Nang makaramdam na umano ang biktima ng pagkahilo ay nagpaalam na lamang ito na uuwi na lang subalit pinigilan ito ng suspect.

Lumipas pa ang ilang sandali ay ipinasok ng suspect ang biktima sa isang kuwarto ng bahay at doon hinalay. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DAHIL

EUGENIO MACARIOLA

GEMMA AMARGO

HABANG

LUMIPAS

MERLY

MONUMENTO

TAMARAW HILLS

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with