^

Metro

Lady guard binoga ng binasted na manliligaw

-
Isang lady guard ang iniulat na binaril at napatay ng kasamahan niyang guard na sinasabing binigo niya sa pag-ibig, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Namatay noon din sanhi ng isang tama ng bala ng shotgun na tinamo sa likurang bahagi ng ulo ang biktimang nakilalang si Magdalena Deocares, ng Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na kasamahang sikyu ng biktima na nakilalang si Carlito Perez, na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga kahapon nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng North Asia Steam Laundry na matatagpuan sa Bonifacio St., ng nabanggit na lungsod.

Nabatid mula sa ilang nagtatrabaho sa nasabing establisimiyento na nililigawan umano ng suspect ang biktima kung saan ay kinukulit ng una ang huli.

Gayunman, tinanggihan ng biktima ang pag-ibig na alok ng suspect, hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Nasa kainitan ng komprontasyon nang marinig ang pagputok ng baril hanggang sa makitang humandusay ang babaeng guwardiya.

Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang insidente.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Gemma Amargo)

AYON

BONIFACIO ST.

CARLITO PEREZ

GAYUNMAN

GEMMA AMARGO

ISANG

MAGDALENA DEOCARES

NORTH ASIA STEAM LAUNDRY

QUEZON CITY

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with