2 holdaper na nanloob sa grocery store bugbog sarado sa taumbayan
May 28, 2001 | 12:00am
Dalawang holdaper ang nadakip at bugbog sarado sa taumbayan matapos na tangayin ng mga ito ang tinatayang may P.2 milyong salapi mula sa isang negosyanteng Intsik nang looban at holdapin ang kanyang grocery store habang nakatakas ang isa pa sa Malabon City kahapon ng umaga.
Sina Salvador Ortillano, 25 driver, at Regalado Miguel, 27, pawang residente ng #38 Buagon St. San Jose Caloocan City ay bugbog sarado bago pa madakip ng pulisya.
Samantala, mahigpit namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang sinasabing mastermind sa naganap na holdapan na nakilalang si Waldo Francisco, dating nakatalagang security guard ni Evelyn Co de Guzman, may ari ng kanilang pinagnakawang Boyet grocery store sa may Camachile St., Potrero ng nasabi ring lungsod.
Ayon sa pulisya, dakong alas-11:20 ng umaga kahapon nang pasukin at looban ng mga suspek ang sari-sari store ni De Guzman habang abala ito sa pagkukuwenta ng mula umagang kinita nito.
Agad umanong nagbunot ng dala niyang kalibre 39 paltik si Miguel na siyang ginamit nitong panunutok kay De Guzman kasunod ng pagdedeklarang holdap.
Dahil dito, sinimulan na rin umanong limasin ng dalawa pa sa mga suspek ang salaping kinita ng mga De Guzman sa kanyang tindahan na umaabot sa P200,000 na kaagad namang ibinigay ng biktima.
Nasa akto namang papalabas ng kanyang silid ang asawa ni De Guzman na nakilalang si Rolando at nagawa nitong makahingi ng saklolo mula sa kalapit nitong residente, kaya’t nasakote ang dalawa ng mga taumbayan habang ang kasamahan nila na si Francisco ay nakatakas sakay ng isang taxi cab, tangay ang may P100,000. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest