Belmonte umapela sa lahat ng pulitiko sa Kyusi na makiisa
May 27, 2001 | 12:00am
Umapela si Q.C. Mayor-elect Feliciano Belmonte sa lahat ng pulitiko sa lunsod na makiisa sa kanya upang matamo ang kinakailangang basic services at kaunlaran na hinihintay sa kanila (mga pulitiko) ng mga mamamayan.
Ang apela ay ginawa ni Belmonte sa proklamasyon na ginanap sa Albert Hall ng city hall na dinaluhan ng libu-libong mga tao.
"Binibilin ko sa lahat ng mamamayan at pulitiko, kahit na mga hindi sila kabilang sa ating partido na makiisa upang matamo ng Quezon City ang isang "Bagong Umaga" sabi ni Belmonte.
Sinabi pa ni Belmonte na hindi na dapat pang hintayin ng mga tao kung ano ang dapat nilang gawin kundi kailangang kumilos na sila upang makamit ng lungsod ang tunay na kaunlaran at kapayapaan.
Si Belmonte ang ika-10 Mayor ng Quezon City na kinabibilangan ng mga da-ting alkalde na sina Manuel Quezon, Tomas Morato, Ponciano Bernardo, Nicanor Roxas, Ignacio Santos Diaz, Norberto Amoranto, Angelina Rodriguez, Brigido Simon, Jr., at Ismael Mathay, Jr.
Nahalal na alkalde si Belmonte sa botong 343,107 para matalo ang action star na si Rudy Fernandez sa napakalaking kalamangan.
Una ng nag-concede si Fernandez kay Belmonte at nangako ng pagkakaisa at kooperasyon sa outgoing Speaker ng Kamara.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest