Lover ni misis,tinepok ni mister
May 27, 2001 | 12:00am
Sa kagustuhang mabawi ang kanyang mga anak subalit ayaw namang pumayag ang kabit ng kanyang misis, nagalit ang isang 34 anyos na mister at inundayan nito ng mga saksak hanggang sa ito ay kanyang mapatay kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.
Patay na bago makarating sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na si Ben Magallanes, 36, karpintero at residente ng San Jose St., Sampaloc, Maynila dahil sa mga tinamong mga saksak nito sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Samantala, naaresto agad ng mga awtoridad ang suspek na nakilalang si Raymundo Endaya.
Sa imbestigasyon, dakong alas 11:30 ng gabi ay dumating ang suspek sa bahay ng kanyang misis na si Josephine at katabi nito ang biktima. Agad na iginiit nito na kukunin niya ang kanyang 2 anak.
Mariin namang tinutulan ito ng kanyang asawa na inayunan naman ng kalaguyong si Magallanes.
Nagalit ang suspek sa biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo, hanggang sa magsuntukan ang mga ito.
Talo sa suntukan ang suspek kaya ito ay nagtatakbo sa kusina at nakakuha ng patalim at agad na inundayan nito ng maraming saksak ang biktima.
Ang pangyayari ay mabilis na na-ireport sa pulisya at dito ay nagresponde ang mga pulis na sina SPO1 Virgo Villareal at SPO3 Miparanaum.
Nang aarestuhin nila ang suspek ay nakakuha ito ng tubo at pinalo sa mukha si SPO1 Villareal.
Naging maagap naman ang kasamang pulis na si SPO3 Miparanaum at naagaw nito ang tubo.
Kinasuhan ang suspek ng murder at frustrated murder. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended