^

Metro

Paslit nahulog sa escalator, todas

-
Isang 4-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos itong mahulog sa escalator na umaakyat sa ikalawang palapag ng SM South Mall kamakalawa ng hapon sa Las Piñas City.

Dead-on-arrival sa Perpetual Medical Center ang biktimang si Jerome Velasco, residente ng Block 22, Lot 2, GSIS Townhomes, Molino, Bacoor, Cavite dahil sa pagkabasag ng bungo nito.

Sa pagsisiyasat ni SPO3 Willy Dalawangbayan na ang insidente ay naganap dakong alas-5:00 ng hapon sa loob ng SM South Mall na matatagpuan sa Alabang-Zapote Road habang ang biktima ay kasama nitong umaakyat sa escalator ang kanyang lola na si Josefina Velasco, 70.

Hawak-hawak umano ng matanda ang kanyang apo habang sakay ng escalator at hindi umano napapansin na ang bata ay dumudungaw.

Dahil umano sa pagdungaw ng bata ay nawalan ito ng balanse kaya tuluy-tuloy na bumagsak ito sa basement ng nabanggit na mall na una ang ulo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALABANG-ZAPOTE ROAD

JEROME VELASCO

JOSEFINA VELASCO

LAS PI

LORDETH BONILLA

PERPETUAL MEDICAL CENTER

SOUTH MALL

WILLY DALAWANGBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with