^

Metro

6 pulis nang-hulidap nasa "hot water"

-
Nasa "hot water" ngayon ang anim na pulis Pasay City matapos isangkot ang mga ito sa "hulidap" kahapon ng umaga.

Ang mga pulis ay nakilalang sina SPO1’s Mario Castro at Walter Alano; PO1 Andrew Ulay; PO1’s Ronnie Andrade; Primitivo Canete at PO2 Ronald Alla na pawang nakatalaga sa Police Community 4 at 8.

Ang nagsampa ng reklamo sa mga ito ay ang biktima na nakilalang si Angelito Marcelo, 25, at residente ng Tramo St., Pasay City.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Criminal Investigation Division na dakong alas-8:30 ng umaga ay puwersahan umanong pumasok at nanloob umano ang mga pulis sa bahay ng biktima dahil ito umano ay kakasuhan ng anti-fencing law.

Mariin namang itinanggi ni Marcelo ang akusasyon sa kanya at ayon sa kanya tinangay ang kanyang bracelet na nagkakahalaga ng P21,000.00 at cell phone na 3310 ng pumasok ang mga pulis.

Bukod dito ginulpi pa umano ng naturang mga pulis ang kapatid ni Marcelo na si Ryan na may sakit sa pag-iisip.

Ang anim na pulis ay nakatakdang sampahan ng kasong robbery-extortion. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANDREW ULAY

ANGELITO MARCELO

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

LORDETH BONILLA

MARCELO

MARIO CASTRO

PASAY CITY

POLICE COMMUNITY

PRIMITIVO CANETE

RONALD ALLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with