Banko hinoldap, sekyu napatay
May 25, 2001 | 12:00am
Isang security guard ang napatay matapos na ito ay barilin ng anim na miyembro ng Bonnet gang na nagsagawa ng panghoholdap sa Equitable-PCI Bank kahapon ng umaga sa Project 8, Quezon City.
Ang nasawi ay nakilalang si German Roquero, nasa hustong gulang, may-asawa at residente ng Soldiers Hills, Quezon City.
Ayon sa ulat ng pulisya na bandang alas-11:20 ng umaga nang pasukin ng limang kalalakihan na nagkunwaring mga kustomer ng nasabing banko na may sangay sa Congressional Avenue nang barilin agad ang sekyung nasa pinto. Habang ang isa ay nagsilbing look-out sa labas. Kinuha ng mga suspek ang pera sa mga teller saka tumakas ang mga ito sakay ng isang Tamaraw Revo, isang kotse at isang owner type jeep.
Ang security guard ay nasawi habang ginagamot sa QC General Hospital at ang Toyota Revo na isa sa ginamit ng mga suspek sa pagtakas ay inabandona sa EDSA.
Inaalam pa ng Central Police District kung magkano ang nakuhang pera ng mga suspek habang patuloy naman ang isinasagawang follow-up operations para maaresto ang mga ito.(Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest